NUTCASE ALERT!
Eh di lunchbreak ko ngayon diba? Actually, tapos na at na-late pa ko ng 5 minutes. Anyway, sa Chowking ako kumain at yung fried chicken na binigay sakin makunat na luma na matigas. Alam mo yun? First meal of the day yun eh tapos ganun.
Pero teka, hindi yun yung kwento rito. Bago ako napunta sa Chowking to have breakfast, marami akong nadaanan na ibang lugar na pwedeng kainan. Kung pamilyar ka sa Eastwood City, madali mo tong maiisip.
Eh di ganito bumaba na ko ng building
- First stop, Chowking - parang gusto ko talaga ng manok pero parang mas masarap ang lasa ng Chickenjoy. So nagpunta akong 3rd floor ng Cybermall para mag Jollibee.
- Jollibee - shet ang mahal na pala ng Chickenjoy! 97php na! Eh di umalis ako tas sabi ko sa Intrepid nalang ako kakain ng sizzling chicken. Eh di yun nga diba naglakad ako ng malayo at nakaabot sa Intrepid sa may Libis/Citibank.
- Intrepid - walang sizzling chicken! Eh ayoko naman yung mga ibang choices dun. Parang masarap ang tuna sisig pero di ko sobrang feel so sabi ko sige balik nalang ako sa Chowking at least 69php lang yung manok makakapag-naicha pa ako.
- Fat Chicken - On the way to Chowking, parang masarap sa Fat Chicken pero looking around, wala namang available na seats dun sa eating area. So Chowking na talaga!
- Chowking - nung turn ko na sa counter, sabi nung kahera 15 minutes pa daw yung chicken so wag nalang right? Kasi mauubos na yung break ko. Sige Fat Chicken nalang nga, parang may available seats na.
- Fat Chiken - nung nag order na ko biglang 5 minutes naman daw yung kanin! Argh! So by this time, gutom na gutom na ko at konti nalang oras ko. So pumunta nalang akong Mini Stop kasi masarap naman yung manok dun.
- Mini Stop - nung turn ko na sa counter na-realize ko na wala namang upuan dun so pano ako kakain diba? Damn. So tumawid ako papuntang Mcdo.
- McDonalds - Tae ang mahal din pala ng manok dito! Sa Fat Chicken nalang ako!
- Fat Chicken - Hindi parin luto yung kanin!
- Chowking - last stop, had my slightly decent meal, not satisfied at all.
So, I spent 45 minutes of my 1-hour lunch break trying to figure out where I should eat. And yes, I am PMS-ing and half-crazy.